MAY PINAPAGAWA SA AKIN ANG AMO KO SA OPISINA NIYA. MARAMING BESES…

MAY PINAPAGAWA SA AKIN ANG AMO KO SA OPISINA NIYA. MARAMING BESES

 

Tawagin n’yo na lang akong Aira. Dalawampu’t walong taong gulang ako at halos dalawang taon akong nagtrabaho bilang katulong sa bansang Hong Kong. Ang ikukuwento ko ngayon ang dahilan kung bakit napauwi ako ng Pilipinas.

Mag-asawa ang employer ko at wala pa silang anak. Pareho silang may negosyo kaya madalas silang lumalabas. Kapag weekdays, halos gabi na umuuwi si Madam dahil siya ang mas tutok sa mga meeting. Si Sir naman, mas madalas nasa bahay dahil doon niya ginagawa ang karamihan sa trabaho niya. May sarili siyang opisina sa second floor at bihira iyong pasukin kahit ako. Tuwing maglilinis ako, sa labas lang ako nagwawalis at nagpupunas dahil iyon mismo ang bilin nila noong unang araw ko sa bahay.

Isang araw, habang naghahanda ako ng almusal, narinig kong nag-uusap ang mag-asawa. May two-day business conference si Madam sa Shenzhen kaya kailangan niyang umalis pagkatapos kumain. Ilang beses pa niyang niyaya si Sir na sumama pero tumanggi ito dahil may aasikasuhin daw na mahalagang papeles. Wala naman akong nakitang kakaiba dahil sanay na akong may isa sa kanila ang wala sa bahay.

Pagkaalis ni Madam, itinuloy ko lang ang trabaho ko. Tinapos ko ang kusina, saka ako naglaba ng mga damit. Pagsapit ng tanghali, naghain ako ng pagkain para kay Sir at bumalik ulit sa laundry area. Akala ko iyon na ang magiging takbo ng buong araw, pero habang nagtutupi ako ng mga damit, napansin kong ilang beses siyang dumaan sa may hallway na parang may gustong sabihin. Hindi ko muna pinansin dahil baka may kailangan lang ipakuha o ipalinis.

Makalipas ang ilang minuto, huminto siya mismo sa tapat ng laundry room. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nailang. Siguro dahil kaming dalawa lang ang tao sa napakalaking bahay at iyon ang unang beses na matagal siyang nakatayo sa harap ko na walang sinasabi.

Hindi ko na lang siya tiningnan. Itinuloy ko ang pagtupi ng mga damit habang hinihintay kong sabihin niya kung ano ang kailangan niya. Akala ko may ipapakuha lang o may ipapalipat na gamit gaya ng dati.

Hindi pala.

Napansin kong hindi na siya umaalis sa tapat ng laundry room. Ilang segundo rin siyang nakatayo roon. Nang matapos kong itupi ang huling tuwalya, saka ako lumingon.

May hawak siyang isang susi.

Hindi ko alam kung saan galing iyon, pero hindi ko rin pinansin.

Ang inisip ko, baka may ipapabukas na cabinet o bodega.

Sinundan ko lang siya nang magsimula siyang maglakad. Dumaan kami sa sala, umakyat sa ikalawang palapag, hanggang huminto siya sa harap ng opisina niyang halos hindi ko pa nakikitang bukas.

Sa anim na buwan ko sa bahay na iyon, ngayon ko lang napansin kung gaano pala kalaki ang pintuan ng opisina niya.

Ilang beses ko na iyong dinaanan habang naglilinis, pero hindi ako kailanman pinapasok.

May bilin kasi si Madam.

Kapag sarado ang opisina, huwag ko raw gagalawin kahit isang gamit sa loob.

Kaya nang makita kong inilalabas ni Sir ang susi at dahan-dahang binubuksan ang pinto, doon ako nagsimulang mag-isip.

Bakit ako?

May mali ba akong nagawa?

O may ipapagawa lang talaga siya?

Pagkabukas ng pinto, nauna siyang pumasok.

Huminto siya sa may gitna ng silid.

Hindi agad ako sumunod.

Nakatayo lang ako sa may pintuan habang naghihintay na sabihin niya kung bakit niya ako dinala roon.

Maya-maya, tumingin siya sa akin at bahagyang itinuro ang loob ng opisina.

Doon lang ako tuluyang pumasok.

Mas malamig ang aircon kaysa sa ibang parte ng bahay. Pero maraming alikabok. Parang never in history na nilinisan iyon. Hindi ko na masyadong inikot ang tingin ko dahil nahihiya akong tumingin sa mga personal niyang gamit.

Habang nakatayo ako, napansin kong dahan-dahan niyang isinara ang pinto.

Hindi naman ito malakas na pagsara.

Pero sapat iyon para biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil alam kong walang makakarinig kung sakaling may mangyaring hindi ko inaasahan.

Bigla kong naalala ang kuwento ng kaibigan kong DH sa Hong Kong. Mabait din daw ang amo niya noong una, pero nagbago ang lahat nang minsang maiwan silang dalawa sa bahay.

Ayokong mangyari sa akin ang nangyari sa kanya.

Kaya habang nakatayo ako, nagsimula na akong mag-isip kung paano ako lalabas kapag may gawin siyang hindi tama.

Malapit lang ba ang pinto?

Aabot ba ako kung tatakbo ako?

May maririnig ba ang kapitbahay kung sisigaw ako?

Hindi ko namalayang pinagpapawisan na pala ang mga palad ko.

Hindi ko rin alam kung napansin niya iyon.

Ang alam ko lang, ilang segundo kaming walang imikan.

Tapos, unti-unti siyang lumapit sa mesa.

May hinugot siyang isang lumang kahon mula sa pinakailalim ng drawer.

Maingat niya iyong inilapag sa ibabaw ng mesa.

“Walang dapat makaalam nito.” Saad ng amo kong lalaki. Tumango ako bilang pag sang-ayon nang may kaba. Binuksan niya ang kahon at isa-isa niyang kinuha ang mga laman nito. Puro larawan ng isang batang babae na may edad limang taong gulang.

“Punasan mo ang mga ito, Aira.”

Diyos ko! Yun lang pala ang ipapagawa niya sa akin. Medyo nakahinga ako nang maluwag dun. Pero nang lapitan ko na ang kahon, napaisip ako. Sino kaya itong bata sa picture? Bakit parang tinatago ito ni sir? Hindi ko napigilan ang sarili ko.

“Sir, sino po siya?”

Ngunit tumayo ang mga balahibo ko nang bigla siyang lumapit sa akin patalikod. Damang-dama ko ang matigas na bahagi ng kanyang katawan na dumampi sa aking likuran.

“Quiet. Don’t tell my wife about this.” Bulong niya sa akin.

“Yes sir.” Utal kong sagot sa kanya.

Pagkatapos nun ay lumabas siya ng opisina. At agad kong pinunasan yung mga litrato. Nagmamadali ako baka muli siyang pumasok. Grabe ang nginig ng mga kamay ko. Hanggang sa may nabasa akong nakasulat sa likod ng litrato. “My daughter.”

Mukhang may anak si sir sa ibang babae.

Pero sinunod ko pa rin yung utos niya na sekreto lang namin iyon. Alam kong dilikado, pero gusto ko munang matapos ang kontrata ko bago umalis sa kanila. O bago pa mabuking yung amo kong lalaki.

Magmula noon, halos linggo-linggo na akong pumapasok sa opisina ni sir para maglinis. Walang kamalay-malay si Madam na nililinisan ko ang silid na iyon. Sa laki ng kanilang bahay, mukhang wala na siyang panahong pumasok roon. Lalo’t wala rin naman siyang gamit doon sa opisina.

Ngunit nagkamali ako. Dahil isang araw, kami na namang dalawa ni Madam ang naiwan sa bahay. May lakad raw si sir, pero sa tingin ko pinuntahan niya yung anak at kabit niya. Sabi ni Madam, lilinisan raw namin ang office ni sir. Aalisin raw namin yung mga lumang gamit doon. Sa mga sandaling iyon, parang gusto ko nalang maglaho. Para ako nagkakahypertensyon. Pero syempre, si Madam ang masusunod. Napabuntong hininga nalang talaga ako.

Pagpasok namin sa loob, nauna si Madam. At noong nakita niyang malinis ang paligid, pinagalitan niya ako. Bakit raw ako pumasok sa opisina ng asawa niya nang wala siya. Baka raw inaakit ko si sir at may nangyari na sa amin. Kahit anong paliwanag ko ayaw niyang maniwala. Umiiyak na ako sa harapan niya pero galit na galit siya. Gusto niya talagang paniwalaan yung maling iniisip niya kaysa sa akin. Sabi ni Madam, wawakasan na raw niya ang kontrata ko. Iyak ako nang iyak kasi gusto ko pang magtrabaho.

Kinabukasan pagdating ni sir, tinawag ako ni madam. Nagharap kaming tatlo. Tinanong niya si sir kung bakit ako nakapasok doon sa office. Pero ang sagot ni sir, ako raw ang nagpupumilit na pumasok doon. Doon ko lang napagtanto na under de saya pala yung lalaki. Naiintindihan ko na ayaw niyang masira ang kanilang pagsasama. Pero ayaw ko rin namang masira kay Madam. Kaya ang ginawa ko, ibinunyag ko ang lahat kay madam. Sinabi ko na may anak si sir sa ibang babae. Sa galit ni Madam, pinalayas niya ito.

Dumating na sa punto na na-depress si Madam. Bihira na itong kumakain at nagkukulong sa kwarto. At sa takot ko na balikan ni sir, nagdesisyon akong umuwi ng Pilipinas. Nagpaalam ako sa ina ni Madam. At pumayag naman ito. Sa katunayan, binigyan pa niya ako ng pocket money.

Hanggang dito na lang ang aking kwento at maraming salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *