” THE 3 SISTERS “
PART:1
Sa isang malayong probinsya na napakalayo sa ingay ng syudad, may isang pamilyang naninirahan sa gitna ng malawak na palayan. Ang kanilang lumang bahay-kubo ay gawa sa kawayan at kahoy, at napapalibutan ito ng berde at sariwang mga tanim na palay na pagmamay-ari ng amang si Edgar.
Si Edgar ay kilala sa buong baryo bilang isang napakasipag na magsasaka. Araw-araw, bago pa man sumikat ang araw, nasa bukid na siya upang magbungkal ng lupa. Mayroon siyang mga kasamahang trabahador na tumutulong sa kaniya sa pagtatanim at pag-aani ng mga palay. Katuwang naman niya ang kaniyang asawang si Cristina para sa pamamahala ng kanilang kita at sa mga pang-araw-araw na pangangailangan sa bahay.
Mayroon silang tatlong napakagagandang anak na babae, si Mebel ang panganay na labing-siyam na taong gulang, si Jenny ang pangalawa na labimpito, at ang bunsong si Angel na labing-apat na taong gulang pa lamang. Dahil sa taglay na ganda ng tatlong dalaga, maraming mga kabataan sa baryo ang gustong lumapit at makipagkilala sa kanila.
Maraming kapitbahay ang humahanga at naiinggit sa pamilya ni Edgar. Para sa mga tao sa labas, sila ang halimbawa ng isang tahimik at maayos na pamilya.
”Napakaswerte talaga ni Cristina kay Edgar,” madalas sabihin ng mga kapitbahay habang naglalakad sa tabi ng palayan.
“Napakasipag na ama at napakabait na tao.”
Subalit sa loob ng kanilang tahanan, may ibang katotohanan. Ang tatlong magkakapatid ay halos hindi nakakalabas ng bahay. Hindi sila pinapayagang makipagkaibigan sa iba dahil sa sobrang pagiging strikto at mahigpit ni Edgar.
Kapag natapos na ang kanilang mga gawaing-bahay, kailangan ay nasa loob na agad sila ng kanilang mga kwarto.
Isang hapon, habang nagwawalis si Mebel sa kanilang bakuran, may isang binatang naglakas-loob na lumapit sa bakod. Ang pangalan niya ay Jello, isang simpleng binata mula sa kabilang baryo.
”Magandang hapon, Mebel,” nakatitingalang bati ni Jello habang hawak ang isang bungkos ng simpleng bulaklak at kaniyang lumang gitara.
Bahagyang ngumiti si Mebel, ngunit may halong takot sa kaniyang mga mata.
“Jello, umalis ka na rito. Kapag nakita ka ni Papa, magagalit iyon nang sobra.”
”Nais ko lang sanang magpakilala nang maayos sa ama mo,” seryosong sagot ni Jello.
“Gusto kong ipakita sa kaniya na malinis ang intensyon ko sa iyo.”
Nang sumapit ang gabi, nagulat ang pamilya nang may kumatok sa pintuan ng kanilang bakuran. Tumayo si Edgar mula sa hapag-kainan at binuksan ang pinto.
Laking gulat niya nang makita si Jello na nakaporma, hawak ang bulaklak at gitara.
”Ano ang iyong ginagawa dito? Gabi na, umuwi ka na!” striktong wika ni Edgar habang masamang nakatingin sa binata.
Sumagot nang may paggalang si Jello.
“Mawalang-galang na po, tito. Pero nais ko po sanang ligawan ang inyong anak na panganay na si Mebel.” Paninindigan ni Jello.
Nanginig ang boses ni Edgar sa galit.
“Sino ang nagsabi sa iyo na pinaliligawan ko ang aking anak?”
Mula sa maliit na bintana ng bahay, sumilip si Mebel at lakas-loob na nagsalita.
“Papa, gusto ko po si Jello. Mabait po siyang tao.”
Lalong nag-init ang ulo ni Edgar. Humarap siya sa bintana at sumigaw.
“Pumasok ka sa iyong kwarto, Mebel! Kung ayaw mong makatikim sa akin ngayon!”
Pagkatapos ay muling humarap si Edgar kay Jello habang nakaduro ang daliri nito.
“Ikaw naman lalaki! Umalis ka na bago pa magkalat ang iyong dugo dito sa aking bakuran”
Nag-alala si Cristina kaya lumapit siya sa kaniyang asawa.
“Tama na Edgar, pauwiin mo na lang ang bata,” mahinahong wika ni Cristina.
Dahil sa matinding takot sa galit ng matanda, wala nang nagawa si Jello kundi ang tumalikod at mabilis na lumakad pauwi.
Sa loob ng bahay, ang tatlong magkakapatid na sina Mebel, Jenny, at Angel ay nakayuko lamang sa isang tabi. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang matinding takot sa kanilang ama. Walang sinuman sa kanila ang naglakas-loob na magsalita pa.
Nang sumapit ang alas-dos ng umaga, tahimik ang buong paligid. Sobrang lamig ng hangin at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga ingay ng mga palaka at kulisap sa labas ng bahay.
Sa hudyat ng dilim, dahan-dahang binuksan ni Edgar ang pinto ng kwarto ni Mebel. Walang kaingay-ingay siyang pumasok. Lumapit siya sa kama ng anak at pinagmasdan ang magandang mukha nito sa ilalim ng ilaw ng buwan. Sa hindi mapigil na masamang intensyon, dahan-dahang hinaplos ni Edgar ang hita ng anak.
Nagising si Mebel at dahil sa pagkabigla ay napabalikwas siya sa kaniyang kahoy na higaan.
”Papa?” takot at utal na wika ni Mebel habang nakatitig sa ama.
Mabilis na tinakpan ni Edgar ang bibig ng anak gamit ang kaniyang malaking kamay.
“Shhh! Huwag kang maingay kung ayaw mong pektusan kita ngayon din!” bulong ni Edgar sa napakahinang boses ngunit puno ng pagbabanta.
Nais mang sumigaw at humingi ng tulong ni Mebel, ngunit wala siyang magawa dahil mahigpit ang hawak ng kaniyang ama sa kaniyang bibig. Walang makalabas na boses sa kaniyang lalamunan.
Inilapit ni Edgar ang kaniyang mukha sa tainga ng anak at muling nagwika.
“Sumunod ka lang sa aking sasabihin. Dahil kung hindi, lahat kayong magkapatid at kasama na ang nanay mo ay papatayin ko!”
Dahil sa matinding takot para sa sarili at para sa kaniyang pamilya, hindi na nakalaban si Mebel. Umiyak na lamang siya nang tahimik habang dahan-dahang winawasak ng sarili niyang ama ang kaniyang pagkababae at dangal.
Kinabukasan, naramdaman ni Mebel ang matinding sakit at hapdi sa kaniyang buong katawan. Ramdam niya ang pagod, sakit, at matinding panginginig. Ngunit higit sa lahat, ang hindi niya matanggap ay ang katotohanang ang sarili niyang ama ang taong dapat na nagtatanggol sa kaniya ang gumawa ng ganong kahihiyan sa kaniya.
Umiyak siya nang walang patid habang nakatalukbong sa kaniyang lumang kumot. Kinikiskis niya ang kaniyang balat gamit ang kaniyang mga kamay na para bang gustong burahin ang bawat bakas na hinawakan ng kaniyang ama. Hindi niya alam kung paano lalabas ng kwarto at kung paano haharapin ang araw na iyon.
Habang umiiyak, dahan-dahang pumasok ang kaniyang inang si Cristina sa kwarto upang gisingin siya. Natagpuan nito ang anak na nakayuko sa kama at basang-basa sa luha.
Dahil sa pag-aalala, agad na lumapit si Cristina sa gilid ng higaan.
“Mebel? Anong nangyayari sa iyo? May sakit ka ba?” tanong ni Cristina habang hinahawakan ang leeg at noo ng anak upang tingnan kung may lagnat ito.
”Hindi ka naman mainit,” dagdag pa ng ina habang nakakunot ang noo.
Tumingin si Mebel sa kaniyang ina. Ang kaniyang mga mata ay mamula-mula at halatang walang tulog.
“Nay… si Tatay kasi” umiiyak na wika ni Mebel.
”Bakit? Anong ginawa sa iyo ng itay mo?” muling tanong ni Cristina na nagsisimula nang magtaka.
Sa gitna ng kaniyang paghikbi, lakas-loob na sinabi ni Mebel ang katotohanan.
“Ginalaw niya po ako kagabi. Pumasok po siya rito sa kwarto ko.”
Biglang nagbago ang mukha ni Cristina. Napalitan ng galit ang kaniyang pag-aalala.
“Hindi iyan magandang biro, Mebel! Matakot ka sa Diyos sa mga sinasabi mo!” Wika ni Cristina habang tumayo at umaatras.
”Nay, totoo po! Maniwala po kayo sa akin!” Pagsusumamo ni Mebel habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ina.
“Pumasok po siya rito habang tulog kayo! kagabi”
Ngunit mas lalong nagalit si Cristina at itinaboy ang kamay ng anak.
“Tumigil ka, Mebel! Hindi mo ba nakikita kung gaano ang paghihirap ng ama mo para lang maging maganda ang buhay natin?! Araw-araw siyang nagtatrabaho sa bukid para may makain tayo! Tapos iyan ang igaganti mo sa kaniya?!”
”Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa akin?!” Sigaw ni Mebel habang tuloy-tuloy ang agos ng kaniyang mga luha.
Dahil sa matinding galit at kawalan ng tiwala, biglang sinampal ni Cristina si Mebel sa mukha. Nanatiling nakahawak si Mebel sa kaniyang namumulang pisngi habang lalong napahagulgol.
”Tumigil ka! Itigil mo ang kalokohan mo, Mebel!” Sigaw ni Cristina.
“Ama mo ang pinagbibintangan mo nang ganyan! Kilabutan ka naman sa mga pinagsasabi mo! Kaya ka ba nagkakaganyan dahil lang hindi ka niya pinayagang ligawan ni Jello?!”
”Mama, nagsasabi po ako ng totoo. Hindi po ako nagsisinungaling” Mahinang sagot ni Mebel habang nakayuko.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, narinig ang mga yabag ng sapatos sa labas ng kwarto. Pumasok si Edgar na galing sa bukid, hawak pa ang kaniyang paboritong sombrero.
”Anong nangyayari dito?” Masungit na tanong ni Edgar habang nakatingin sa kaniyang asawa at anak.
Humarap si Cristina kay Edgar habang galit na galit pa rin.
“Itong magaling mong anak! Pinagbibintangan kang ginalaw mo daw siya kagabi! Totoo ba iyon?!”
Umiwas ng kaunting tingin si Edgar ngunit mabilis ding nakabawi. Umiling siya at tumawa nang mahina.
“Paano ko naman iyon gagawin? Magkasama tayo kagabi matulog sa ating kwarto, diba?”
”Ewan ko ba dyan sa anak mo!” Galit na dagdag ni Cristina habang masamang nakatingin kay Mebel na patuloy na umiiyak sa gilid ng kama.
Lumapit si Edgar sa pintuan ng kwarto at tumingin kay Mebel na may kasamang lihim na pagbabanta sa kaniyang mga mata.
“Hayaan mo na, Cristina. Siguro galit lang iyan sa akin dahil pinaalis ko ang manliligaw niya kagabi. Lilipas din iyan.”
Naiwang mag-isa si Mebel sa kaniyang kwarto, walang makapitan at walang naniniwala, habang ang kaniyang ama ay patuloy na nagtatago sa likod ng kaniyang mabuting imahe sa baryo.
” Halikana, hayaan mo na, kumain nalang tayo sa baba ” Dagdag pani Edgar sa asawa at palihim na tumingin ng masama kay Mebel.
Si Mebel naman ay nanatiling nakayuko at nanginginig sa takot.
